Thursday, December 2, 2010

Dumating si PAPA

Nag ring ang cp ko, isang pamilyar na assigned tone para sa aking mga kapamilya, at ayun nga nagtxt si leadan isa sa mga pinakpaborito kong kapatid. Nagulat ako sa balitang dala ng bilang lang na mga letra sa screen ng colored kong dual sim na cherry mobile na pinahiram ni trina.

Led: Umuuwi si Pa2 alm mo n b?
Received: 10:00pm
Date: November 12, 2010

Nagulat ako sa mensahe, parang gusto ko biglang mahimatay. Pero nakayanan ko naman kaya dali-dali na tumawag sa telepono, idadial ang landline no. ng kapitbahay para makisuyo makausap si Mama.

Ilang saglt pa, nagriring na ang kabilang linya,
" Titamek! kamusta? umuwi raw si papa?" ang mabilis kong sambit.

Para akong asong hinihingal pa sa pagmamadali makasagap ng pinakamainit na balita mula sa bahay, sa muling pagbabalik ni Papa mula sa siyam na buwan niyang hindi pagpapakita.

"Liezel? OO, umuwi nga kanina. Nagulat nga ako eh" sabi sa kabilang linya
"Opo, si Liezel po ito, pwde po ba akong makisuyo kay mama, mangangamusta lang po." ang pakiusap ko

........matagal ilang minuto dalawa, apat, Lima.

Narinig ko sa kabilang linya si mama, Masaya.
Mabilis ang tibok ng puso, muli sa pagkakataon yung naramdaman kong masaya si mama.

Pagkatapos kong kumpirmahin kung umuwi nga si papa, at tanungin kung kamusta daw ba siya, ito lang ang sagot niya:

" ok lang naman daw siya, hindi naman niya sinabi kung saan siya umuuwi, pero binati ko naman, tumaba naman siya. Masaya na rin ako kasi alam ko namang ok na siya, hindi na ako magaalala kung napapano na siya" paliwanag ni mama.

Paboritong lenguwahe ni mama kapag pinipilit ko siyang hayaan na lang si papa ang mga salitang; " kung ung ASO ng hinahanap ng amo ung ASAWA pa kaya?"

Mahal na mahal talaga ni mama si papa, higit sa lahat. Hindi niya kayang ipagpalit si papa hahayaan niyang buhayin kami magisa.

Dahil sa tunay na pagmamahal mo para kay papa, ito po ang tula para sa inyo:


Lourdes

Mula sa isang birhen,
hinango ang mabango 
mong pangalan,
ang dalisay mong puso
at ang matamis mong mga 
ngiti ang minana sa mga santa.

Isa kang Ina, 
hindi man ng Mundo
ng sangkalupaan, 
o ng sangkalawakan.

ikaw ang ina ko,
ni Ate, ni lea
ni led, ni dan, ni obet, ni diane,
ni ampol.

at ilan sa mga kapatid naming
hindi na namin nasilayan.

ang iyong sinapupunan
ay aming mga naging lungga
para maging handa sa
mundo kung saan
nandito tayo.

salamat.
Naging tulay ka para kami'y ,maging tao.

hindi mabura sa isip ko noong

Prep ako kay mam. Lantano,
bubuhatin mo ko,
dadaan tayo sa ilog,
masaya, exciting,
pero napapagod ka kasi 
rumaragasa ang ilog
kailangan mo kong protektahan
ayaw mong mabasa 
ang kulay brown kong uniform
pati ang bagong kiwi kong black shoes.

Minsan,  isang gabi
9 na taong gulang ako noon,
isang panaginip ang nagpahagulgol sa kin.

"namatay si mama sa panaginip ko,"

Kinagat ko ang dulo ng unan,
dahil sabi ng mga kalaro ko
kapag nakakapanaginip ka ng 
nakakatakot kailan mo ung gawin, at 
ginawa ko naman.

Mukhang effective naman,

umiyak ako ng umiyak, 
tiantanong mo ko kung bakit?

ang sagot ko "wala po"
pero nakayakap ako sayo,
mahigpit, habang tulo sipong nagpupunas ng mata.

Naalala ko din dati,
hindi na kayang tiisin ng katawan ko ang sakit ng ngipin ko
lalapit ako sayo at sasabihin

"mama, masakit po,"
papaupuin mo ko sa tabi mo, at kakantahan.
hihilutin ang pisngi.

at taran! makakatulog ako ng mahimbing.

pero......
hindi kaya ng mga pahina 
ng blog na ipost ang lahat ng mga 
bagay na nagpapatunay ng pagmamahal mo
sa aming
magkakapatid, 
sa 
dami ng sakripisyo mo
para sa aming lahat, 
kulang ang mga salita para
ipakita lahat ng yun.

Mama,
mahal
kita.

mahal na mahal.

Salamat po.

Patuloy lang tayong lalaban,
ikaw ang nagpakilala sa akin ng
salitang
MATAPANG
KATAPANGAN
ang pagiging
MALAKAS
sa lahat ng laban!

kaya hindi tayo susuko!
hanggang tagumpay!

PARA SA IYO

Sabi nila'y di tayo para sa isat-isa
Dahil pareho raw tayong dalwa
Walang patutunguhan mula sa umpisa
Ang pagsasama raw na di tama

Ito ang tinuran ng nagkukunwang marangal
Na siyang yumuyurak sa ting dangal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang Matuwid
Na ang puso't damdami'y manhid

Pagkat tayong dalwa'y nagmamahal ng lubos
Hangarin sa isat-isa'y tapat
Ipaglalaban natin, panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo'y babaguhin

Sabi nila'y di tayo magiging masaya
Ang pagtitinginang raw na di tama
Di raw kaaya aya sa mata ng may likha
Kasalanan raw ating ginagawa

Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
Patunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang Malinis
Na puno ng dumi ang isip

Pagkat tayong dalwa'y nagmamahal ng lubos
Hangarin sa isat-isa'y tapat
Ipaglalaban natin, panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo'y babaguhin

PARA SA IYO

Sabi nila'y di tayo para sa isat-isa
Dahil pareho raw tayong dalwa
Walang patutunguhan mula sa umpisa
Ang pagsasama raw na di tama

Ito ang tinuran ng nagkukunwang marangal
Na siyang yumuyurak sa ting dangal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang Matuwid
Na ang puso't damdami'y manhid

Pagkat tayong dalwa'y nagmamahal ng lubos
Hangarin sa isat-isa'y tapat
Ipaglalaban natin, panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo'y babaguhin

Sabi nila'y di tayo magiging masaya
Ang pagtitinginang raw na di tama
Di raw kaaya aya sa mata ng may likha
Kasalanan raw ating ginagawa

Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
Patunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang Malinis
Na puno ng dumi ang isip

Pagkat tayong dalwa'y nagmamahal ng lubos
Hangarin sa isat-isa'y tapat
Ipaglalaban natin, panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo'y babaguhin

Friday, November 12, 2010

Si LEA

Mas matanda ako ng isang taon sa kanya, pinanganak kami sa magkasunod na buwan, isang buwan at labingdalawang araw ang pagitan ng aming kaarawan.


Palakaibigan, mahilig kumanta, masayahin, mapagmahal, kayang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay, hindi makasarili, bugnutin, mataray minsan, pero mahal ko siya.

Naalala ko pa mas maraming birthday na mas masaya yung sa kanya, bukod sa marami siyang kaibigan, hindi kasi siya nawawalan  ng pera, kaya naman habang nagbibilang ako ulit ng mga araw naalala kong 2010 na pala at ilang buwan na lang 2011 na naman at napasok sa isip ko ang taong 2010 kung saan dumating si YURI at ang pagbabago sa buhay ng lahat sa ating pamilya.

Naalala mo last year bago dumating si YURI, hindi ko alam kung paano kita kakausapin sa narinig kong balita na may bago na pala tayong kapamilya, pagkatapos ng ilang buwan bago dumating si NJ.

Pero maraming pagkakataon na sinabi ko sa sarili ko na hindi na yun mahalaga, kung paano ako nagtampo, nasaktan, naging masaya, iba ibang damdamin, normal naman na nararamdaman ng nakakatandang kapatid, pero nangibabaw parin ang pag aalala kung ayos ka.


Mensahe ko:


TOL

"Napaka-cute ng anak mo, mukhang cartoons!"
Paborito ko itong linya pagnakakadaan ako sa bahay para mangamusta, madalas kung pisilin ang napakalambot niyang mukha, ang kanyang malalaking mga braso, at mga binti.

Sabi ko sa iyo igagawa kita ng isang tula, pero naisip ko munang magbigay ng isang mensahe..

HIndi ko alam kung gaano kahirap ang kinakaharap mong problema sa mga nagdaang panahon, hindi ako updated sa lahat ng mga ginagawa mo sa buhay, kung gaano man yan kabigat,pero tandaan mo si ate kahit malayo siya kahit madalas na sa magkabilang linya lang tayo ng mga telepono at facebook naguusap at nagkakamustahan, hindi kita pwedeng pabayaan, pwede kang magkwento sa akin, maglabas ng sama ng loob, o kahit na anung paraan para matulungan kita.


Pinatunayan nating pamilya na kaya natin ang lahat ng mga struggle, nawala na si papa, nawawala rin ako madalas, pero nandito parin.
basta tatandaan mo....

Mahal ka ni ATE LIZ.

Kung bibigyan kita ng pangalan:

"Lilly"

Simple, katulad mo,
isang LILLY,
katulad niya mayroon kang simple 
at kakaibang ganda
hindi nakakasawa,
elegante, iba sa likas na 
katangian ng mga bulaklak.

Iba ang buhay ko sa buihay mo,
pero para sa akin simple lang ang lahat

Kasi, masaya ako.

Lahat ng mga bagay na ginagawa ko
merong nakokontento,
hindi nakokontento,
nalulungkot, masaya, nagagalit.

Eh ganun talaga eh,
hindi ko hawak ang utak nila.
Basta masaya ako.

Katulad ng ibang, halaman
hindi mo pwedeng gawing parehas ang mga bagay,
hindi mo kailangang maging perpekto
sa kahit na anung paraan,
patuloy mo lang gawin ang lahat
kung saan alam mong masaya ka
at kontento.

Hindi nila kailangan,
na 
patawarin
alagaan
alalahanin
respetohin
isipin

at
mahalin
ka

dahil...

ito ang mundo natin.

walang pagkakapantay pantay.
Abnormal ang lipunang ating ginagalawan,

isipin mo lang
isa ka lamang LILLY
hindi mo kasalanang

maging IBA o

Maging si LEA.

Sunday, November 7, 2010

,,Miss you,,

Minsan nang hiniling na sana bumalik ka,
Paulit-ulit kong dinarasal na sana dumating ka na.


Matagal na rin pala tayong hindi nagkikita,
Minsa sa isang lugar, sa hindi sinasadyang pagkakataon,
nasabi ko pa ang mga huling salita sa iyo "Ingat ka"


Walang araw na hindi ako umaasang hindi mo kami tuluyang kinalimutan
Siyam na buwan na ng huli kitang makakwentuhan,
Siyam na buwan na rin ng huli mo kong pinagalitan.


Araw-araw, sa bawat paghakbang pasulong
patungo sa martsa sa mga kalsada,
sa lahat nang sigaw para sa paghahangad ng hustiya, kalayaan, karapatan,
kasama ka sa mga pangarap ko.


Pangarap ng isang mabuting anak sa kanyang ama,
ang mabuhay siya ng marangal,
ang kumain tatlong beses isang araw,
hindi kailangang magdagdag sa listahan sa tindahan,
ang magtrabaho para mabuhay,
at hindi kumayod parang kabayo at kulang na lang ay mamatay.


Papa, marami pa akong pangarap.
At kasama ka sa mga pangarap na yun.
Alam ko hindi magtatagal magkikita rin tayo.
Sa isang lugar at sa hindi sinasadyang pagkakataon.


At kung mangyarin man na magkita tayo,
Isang mahigpit na yakap ang alay ko.
Saganang luha sa mga mata,
at isang matamis na halik ng pangungulila.