Friday, November 12, 2010

Si LEA

Mas matanda ako ng isang taon sa kanya, pinanganak kami sa magkasunod na buwan, isang buwan at labingdalawang araw ang pagitan ng aming kaarawan.


Palakaibigan, mahilig kumanta, masayahin, mapagmahal, kayang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay, hindi makasarili, bugnutin, mataray minsan, pero mahal ko siya.

Naalala ko pa mas maraming birthday na mas masaya yung sa kanya, bukod sa marami siyang kaibigan, hindi kasi siya nawawalan  ng pera, kaya naman habang nagbibilang ako ulit ng mga araw naalala kong 2010 na pala at ilang buwan na lang 2011 na naman at napasok sa isip ko ang taong 2010 kung saan dumating si YURI at ang pagbabago sa buhay ng lahat sa ating pamilya.

Naalala mo last year bago dumating si YURI, hindi ko alam kung paano kita kakausapin sa narinig kong balita na may bago na pala tayong kapamilya, pagkatapos ng ilang buwan bago dumating si NJ.

Pero maraming pagkakataon na sinabi ko sa sarili ko na hindi na yun mahalaga, kung paano ako nagtampo, nasaktan, naging masaya, iba ibang damdamin, normal naman na nararamdaman ng nakakatandang kapatid, pero nangibabaw parin ang pag aalala kung ayos ka.


Mensahe ko:


TOL

"Napaka-cute ng anak mo, mukhang cartoons!"
Paborito ko itong linya pagnakakadaan ako sa bahay para mangamusta, madalas kung pisilin ang napakalambot niyang mukha, ang kanyang malalaking mga braso, at mga binti.

Sabi ko sa iyo igagawa kita ng isang tula, pero naisip ko munang magbigay ng isang mensahe..

HIndi ko alam kung gaano kahirap ang kinakaharap mong problema sa mga nagdaang panahon, hindi ako updated sa lahat ng mga ginagawa mo sa buhay, kung gaano man yan kabigat,pero tandaan mo si ate kahit malayo siya kahit madalas na sa magkabilang linya lang tayo ng mga telepono at facebook naguusap at nagkakamustahan, hindi kita pwedeng pabayaan, pwede kang magkwento sa akin, maglabas ng sama ng loob, o kahit na anung paraan para matulungan kita.


Pinatunayan nating pamilya na kaya natin ang lahat ng mga struggle, nawala na si papa, nawawala rin ako madalas, pero nandito parin.
basta tatandaan mo....

Mahal ka ni ATE LIZ.

Kung bibigyan kita ng pangalan:

"Lilly"

Simple, katulad mo,
isang LILLY,
katulad niya mayroon kang simple 
at kakaibang ganda
hindi nakakasawa,
elegante, iba sa likas na 
katangian ng mga bulaklak.

Iba ang buhay ko sa buihay mo,
pero para sa akin simple lang ang lahat

Kasi, masaya ako.

Lahat ng mga bagay na ginagawa ko
merong nakokontento,
hindi nakokontento,
nalulungkot, masaya, nagagalit.

Eh ganun talaga eh,
hindi ko hawak ang utak nila.
Basta masaya ako.

Katulad ng ibang, halaman
hindi mo pwedeng gawing parehas ang mga bagay,
hindi mo kailangang maging perpekto
sa kahit na anung paraan,
patuloy mo lang gawin ang lahat
kung saan alam mong masaya ka
at kontento.

Hindi nila kailangan,
na 
patawarin
alagaan
alalahanin
respetohin
isipin

at
mahalin
ka

dahil...

ito ang mundo natin.

walang pagkakapantay pantay.
Abnormal ang lipunang ating ginagalawan,

isipin mo lang
isa ka lamang LILLY
hindi mo kasalanang

maging IBA o

Maging si LEA.

No comments:

Post a Comment