Led: Umuuwi si Pa2 alm mo n b?
Received: 10:00pm
Date: November 12, 2010
Nagulat ako sa mensahe, parang gusto ko biglang mahimatay. Pero nakayanan ko naman kaya dali-dali na tumawag sa telepono, idadial ang landline no. ng kapitbahay para makisuyo makausap si Mama.
Ilang saglt pa, nagriring na ang kabilang linya,
" Titamek! kamusta? umuwi raw si papa?" ang mabilis kong sambit.
Para akong asong hinihingal pa sa pagmamadali makasagap ng pinakamainit na balita mula sa bahay, sa muling pagbabalik ni Papa mula sa siyam na buwan niyang hindi pagpapakita.
"Liezel? OO, umuwi nga kanina. Nagulat nga ako eh" sabi sa kabilang linya
"Opo, si Liezel po ito, pwde po ba akong makisuyo kay mama, mangangamusta lang po." ang pakiusap ko
........matagal ilang minuto dalawa, apat, Lima.
Narinig ko sa kabilang linya si mama, Masaya.
Mabilis ang tibok ng puso, muli sa pagkakataon yung naramdaman kong masaya si mama.
Pagkatapos kong kumpirmahin kung umuwi nga si papa, at tanungin kung kamusta daw ba siya, ito lang ang sagot niya:
" ok lang naman daw siya, hindi naman niya sinabi kung saan siya umuuwi, pero binati ko naman, tumaba naman siya. Masaya na rin ako kasi alam ko namang ok na siya, hindi na ako magaalala kung napapano na siya" paliwanag ni mama.
Paboritong lenguwahe ni mama kapag pinipilit ko siyang hayaan na lang si papa ang mga salitang; " kung ung ASO ng hinahanap ng amo ung ASAWA pa kaya?"
Mahal na mahal talaga ni mama si papa, higit sa lahat. Hindi niya kayang ipagpalit si papa hahayaan niyang buhayin kami magisa.
Dahil sa tunay na pagmamahal mo para kay papa, ito po ang tula para sa inyo:
Lourdes
Mula sa isang birhen,
hinango ang mabango
mong pangalan,
ang dalisay mong puso
at ang matamis mong mga
ngiti ang minana sa mga santa.
Isa kang Ina,
hindi man ng Mundo
ng sangkalupaan,
o ng sangkalawakan.
ikaw ang ina ko,
ni Ate, ni lea
ni led, ni dan, ni obet, ni diane,
ni ampol.
at ilan sa mga kapatid naming
hindi na namin nasilayan.
ang iyong sinapupunan
ay aming mga naging lungga
para maging handa sa
mundo kung saan
nandito tayo.
salamat.
Naging tulay ka para kami'y ,maging tao.
hindi mabura sa isip ko noong
Prep ako kay mam. Lantano,
bubuhatin mo ko,
dadaan tayo sa ilog,
masaya, exciting,
pero napapagod ka kasi
rumaragasa ang ilog
kailangan mo kong protektahan
ayaw mong mabasa
ang kulay brown kong uniform
pati ang bagong kiwi kong black shoes.
Minsan, isang gabi
9 na taong gulang ako noon,
isang panaginip ang nagpahagulgol sa kin.
"namatay si mama sa panaginip ko,"
"namatay si mama sa panaginip ko,"
Kinagat ko ang dulo ng unan,
dahil sabi ng mga kalaro ko
kapag nakakapanaginip ka ng
nakakatakot kailan mo ung gawin, at
ginawa ko naman.
Mukhang effective naman,
umiyak ako ng umiyak,
tiantanong mo ko kung bakit?
ang sagot ko "wala po"
pero nakayakap ako sayo,
mahigpit, habang tulo sipong nagpupunas ng mata.
Naalala ko din dati,
hindi na kayang tiisin ng katawan ko ang sakit ng ngipin ko
lalapit ako sayo at sasabihin
"mama, masakit po,"
papaupuin mo ko sa tabi mo, at kakantahan.
hihilutin ang pisngi.
at taran! makakatulog ako ng mahimbing.
pero......
hindi kaya ng mga pahina
ng blog na ipost ang lahat ng mga
bagay na nagpapatunay ng pagmamahal mo
sa aming
magkakapatid,
sa
dami ng sakripisyo mo
para sa aming lahat,
kulang ang mga salita para
ipakita lahat ng yun.
Mama,
mahal
kita.
mahal na mahal.
Salamat po.
Patuloy lang tayong lalaban,
ikaw ang nagpakilala sa akin ng
salitang
MATAPANG
KATAPANGAN
ang pagiging
MALAKAS
sa lahat ng laban!
kaya hindi tayo susuko!
hanggang tagumpay!
No comments:
Post a Comment